Tuesday, June 23, 2009

Miss ko na siya. :)

Subalit maingay ang kapaligiran,hindi pa rin nawawala ang boses niya sa aking isipan. SHIT! haha. Mga natututunan sa filipino eh. HAHA. 

Hala, paano ko naman gagawin yung assignment sa filipino? Alangan naman tanungin ko kay daddy kung ano yung TINAHAK niya, makamit lang ang pagmamahal ng babaeng pinakamamahal niya. HAHA. Grabeeee, ang lalim. xD AMP. Gagawa na nga lang ako ng storya. Kesa naman mapahiya pa ko. O.o 

Takte, gagawin ko pa pala yung sa CVE namin. Kamusta naman, hindi man lang tumulong YUNG IBA DIYAN. haha. Nagparinig baaaa? xD Sino natamaan? haha! 

Ay, alam niyo ba, ngayon ko lang nalaman, MAHILIG MAGBIGAY NG QUIZ ANG MGA TEACHER KAPAG TUESDAY NOH? Pansin niyo? tuwing tuesday laging tambak ang quiz? Meron kami sa TLE, Research, Physics, at Trigonometry. Grabe, parang walang sawang pangongopya na naman eh. Ay, strike that, PAG-AARAL pala. Haha. ASA! :P 

ID picture taking namin ngayon. Grabe, nakakatanga naman yun. Sa harapan ka ng buong klase na magssmile. Haha. Nagpapatawa pa naman yung iba kong kaklase kaya ayun maraming hindi maiwasan na tumawa sa pic. LALO na SI ARVEE. Good luck naman nicole! xD Sana naman maayos picture ko dun. Pang alumni ID na yun. xD 

Wala si Ms.Lori Gene Umadhay. Ewan ko ba. Kung kelan naman P.E time nawala siya. What happened? AAWW. Wala pa rin kaming teacher sa English. Ay good luck naman sa unit test namin! Haha. Si Ms. Cruzada rin MIA. Nasaan na ba ang mga teacher namin? HAHA.

Ang daming absent ngayon. :P Kumakalat na ang lagnat sa buong school. Haha. Baka naman may nagkaA(H1N1) na ah. Wag naman sana. Haha. :P Nakakainis, absent din SIYA ngayon. Nakakabadtrip tuloy. :( Di ko siya nakita ng buong araw. Sa mga nakakaalam kung sino to. SSHH na lang. :)) Sa hindi, hulaan niyo! Haha. Madali na lang kasi nasa mga absent lang siya. :)) Makatama libre ko. (hindi kasali ang may alam na. :)) )

Hanggang dito na lang muna. Nga pala, AMBROSE, magdadala ako ng isang buong roll ng cake bukas. Kain kayo ah? Makabasa nito, magdala kayo ng tinidor. Haha. Kung sa ibang section, dala na rin kayo. Pero bilisan niyo, baka maubos eh. :P Hindi ito biro, magdadala talaga ako. :)) 

P.S. ANG DI MAGCOMMENT MASASAPAK KO. Comment kayo. Pag nakita kong nagbasa kayo tapos di nagcomment, hahauntingin ko kayo. :P 


LOVELOTS♥

No comments:

Post a Comment