I'm posting this blog for the sake of updating blogger. :)) Anyway, I'm sorry that I haven't posted anything yesterday! Well, my computer was, let's call it ON HIATUS. Haha. I'll explain that CRAP later. :)) I'm gonna tell you a whooooollllllle LOT so get ready. :))
JUNE 17, WEDNESDAY NIGHT - JUNE 18, THURSDAY NIGHT
In-off ko na yung PC kasi papatulugin ko na si Anton, yung kapatid ko. Yung nakatulog na siya, nagbabasa pa ako nung libro. Syepre, si Marcus Flutie, di ko matigil eh! HAHA. Umabot na ng 1 am nung matapos ko basahin yung libro. Nung matutulog na ako, may naramdam ako na basa sa may damit ko. Nung tinignan ko kung ano yun, SHIIIIIT! Naihian na pala ako ng kapatid ko! Ginising ko siya tapos ayun, nilinis ko yung mess. Syempre, pinunasan ko na rin si Anton tapos naligo ako. Haha. Ayun, sa tabi na nila mama natulog si Anton tapos ako naman, naiwan sa mapanghing kama. Hindi ko nga alam kung paano ako hihiga dun eh. Nag-end up, umupo ako sa floor tapos nagmuni-muni. Sinaksak ko yun 'A Very Special Love'. Nanood ako tapos nung natapos ko na, napagpasyahan ko na matulog na ako kasi may pasok pa mamaya. Nakaupo pa rin ako pero pinikit ko na yung mata ko. AND GUESS WHAT KUNG ANONG SUNOD NA NANGYARI?! Takte, narinig ko na yung footsteps ng nanay ko. Gigisingin na ako! Pagtingin ko sa orasan, 5 am na pala! Nagkunwari ako na kakagising ko lang tapos sabay na kaming bumaba ni Mama.
Sa kotse pa lang, bagsak na ang eyelids ko. Haha. Di ko nakaya ang antok! Haha. Pagdating sa school, ayun medyo badtrip ako and I kinda looked like CRAP. Haha. Tapos eto pang si Anton, nagdrama ng 'GUSTO KO NANG UMUWI!'. Eh ako naman tong si so-called-ate, sinamahan muna siya hanggang tumigil siya sa pagddrama niya. Pagdating sa classroom, badtrip na badtrip na talaga ako. May diagnostic test pa kami sa first 2 subjects namin kaya ewan ko na lang kung anong score nung mga yun. Haha. Pagkatapos ng bawat exam, natutulog ako. Nagpapagising na lang ako kay JP kung time na. Haha. Eh yun lang naman kasi yung tulog ko eh! Ayun, nagtuluy- tuloy ang araw na ganun. Haha. Nakikipaglaban ako sa antok. Akala nga ng iba may sakit ako eh! Haha.
Ayun, yung nagdismissal na, sinamahan ko si Carla sa try-out ng volleyball. Dahil nga bangag ako, pinanood ko lang siya, di ko siya sinamahan maglaro. Haha. Oo na, masama na kong kaibigan. Haha. Tapos pagkatapos nun, umuwi na rin ako. At ang inuwian ko naman, etong sira na computer na to! Napagpasyahan namin ni Mama na bukas na lang namin dadalhin sa computer service center.
JUNE 19, FRIDAY
At last! Nakabawi ako ng tulog! Buti na lang talaga at walang pasok ngayon. Haha. Kung hindi, lagot ako! Ayun, kumain ako tapos pumunta kami ni Mama sa ATC para ipaayos yung CPU. Nagpapicture na rin ako para sa iba pang forms ng college. Binalikan namin kung ano yung status nung CPU at ang sinabi lang sa amin nung nagaayos ay wala naman siyang problema! Napakagaling diba? Ayun, pinaupgrade na lang ni Mama yung RAM nung CPU tapos bumili na kami ng regalo para kay daddy. :) BAG TAG yung binili ko since palagi nalang umaalis si Daddy. Pumunta kami nung Marks & Spencer para bumili nung regalo ni Mama para kay Daddy. Nung magbabayad na, narealize ni Mama na nawawala yung Mastercard niya. Hinanap pa namin sa bag niya tapos wala pa rin. Buong time na papunta kami sa parking, inaalala namin kung kelan niya last ginamit yun. Yung naalala na namin na sa SM yung huling gamit, pinuntahan namin sa SM Munti. Ayun nga, nandun pala! Haha. Si Mama naman eh, parang tanga.. Nung Monday pa naiwan sa SM ngayon lang nalaman! Haha. Credit Card kaya yun! :D Pagkauwi namin, chineck ko yung PC - anak ng, GUMANA! Kailangan pa dalhin sa service thing na wala namang ginawa tapos gagana? Tangnan yan. Ayun, yun na lang muna. Magddownload pa ako ng forms for college eh. :) TTFN . :)
LOVELOTS♥14
No comments:
Post a Comment